*UNTITLED*
Simoy ng hanging nag-aalab,
Damdamin ko'y tinatangay sa pinakamatayog na ulap.
Anong sigla ang iyong inihaharap,
Sa buhay kong pinuno mo ng maraming pangarap.
Sa bawat umaga ng aking paggising,
Sinag ng araw, humahalik sa 'kin.
Yayakapin bawat minutong paparating
Sapagkat ikaw ay para lang sa akin...
Mundo ko'y umiikot para sa 'yo lamang,
At ang aking mga ngiti'y ang aking pagmamahal.
Bawat minutong lumilipas, panalangin ko sa Maykapal,
Na habang buhay, sa iyo ko lamang iyaalay ang aking pagmamahal.
P.S. Can't think of any words already. Just edit it. And Give a title.

