Monday, March 3, 2014

Mama

Magkabilang mundo at pag takbo ng umaga't gabi,
Ilang taong hindi nahagkan sa mga bisig at nasilayan ang tunay na ngiti,
Ngunit sa kabila ng lahat, pag-ibig mo'y nanatili
Sa aming mga puso at isipan, ikaw lamang Mama ang natatangi.



Sa iyong espesyal na araw,
Hiling naming lahat na ika'y lumigaya at sumabay sa mga sayaw,
Nang matangay lahat ng bigat na pasan,
At nang ika'y ngumiti sa iyong kaarawan.



Ikaw ang pinakamagandang biyaya ng Maykapal,
Ang bumuhat sa amin ng napakatagal,
Mahal ka namin higit pa sa anuman,
Mama ikaw ang aming wonder woman.



Happy birthday Mama! 
We love you so much and we miss you!!!
See you soon! 

Love,
ANNE, MAE, MAXIMUS

here's your carrot cupcakes.

HANGIN

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan. Ilang ...