Thursday, December 3, 2015

Balang Araw

Sabi ng kaibigan ko, hindi daw natin deserve ang sobrang nasasaktan. Kahit pa man daw nagkasala tayo, hindi iyon dahilan upang maranasan natin ang pagdurusa sa matagal na panahon. 
Iisa lang naman daw ang sagot sa lahat ng bagay. Ang magpatawad at huwag masyadong taasan ang pride.

Sabi ko naman, hindi naman ako ma pride. 
Ginagawa ko ang lahat upang manumbalik ang dati, pero sa tingin ko, its not good enough...and it will never be good enough. Perhaps his heart was shattered into millions of pieces that is why he cannot look at me just like before. Perhaps he has fallen out of love that's why he doesn't speak of our endearment. Or perhaps he wanted me to give up first so that he could tell the world that I was the one who cut the string... 

Hindi ko talaga alam. 
Ang hirap pala mag mahal ng isang taong lubusan mo ng kilala.
Ang hirap pala nang mawalan ng bestfriend.
Ang hirap pala kung nawala na ang tiwala niya sa 'yo, na kahit anong hirap mong ibalik ito at patunayan ang sarili mo, kung wala na siyang pakialam sa'yo... Mawawasak ka lang.

Malapit na akong mawasak.
Lutang na nga ako sa work. Sabi ng isa kong workmate, "It seems like you're not here, lutang na lutang ka". I just smiled and said, I know... sorry.

Ang hirap magtago at umiyak. 
Minsan pa nga sa sobrang lungkot ko, umiyak na lang ako sa bus ng sobra at wala na akong pakialam kung sino ang mga tao sa paligid ko.

The pain is damn real. It's killing me slowly.
But then, My friend told me, "I know you love him so much, no doubt in that, but you need to love yourself too". "If you can still hold on and hope for the best, I'm gonna support you".

Kung kaya ko pa daw ang kumapit, sige lang.
Sabi ko naman, kakapit ako hanggang sabihin niya kung ano na kami.
Kasi hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na maibabalik ang dati.
Na tatanggapin pa rin niya ako kahit pa ganito ako.

Sabi ko nga rin sa sarili ko, dapat hindi na ako nagrereklamo, kasi kahit ganito ang sitwasyon, KAMI parin.
Pero minsan din kasi, napapaisip ako...
Baka ginagawa lang niya ito kasi naawa na siya sa akin... O ginagawa niya lang ito para magkaroon pa rin ako ng HOPE, kahit false hope.
Ang gulo na kasi.
Gusto ko siyang makausap, pero iniiwasan niya ang mga bagay na ito.
Ayaw niya talagang pag-usapan.
Kaya hindi ko alam kung hanggang kailan kam magiging ganito.

Gaano man katagal. Maghihintay ako. Hindi ako bibitiw.
Kasi Mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.
At sana darating yung araw na gigising akong masaya.


Wednesday, December 2, 2015

SANA...




            Marami na ang nagbago sa mga araw na nagdaan. Marami na ring mga bagay na dating nakasanayan ay unti-unti nang nalilimutan at nababalewala…Gayunpaman, umaasa parin ako na balang araw, mauunawaan rin ng lahat at tatanggapin rin ng lahat na ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago…
            Tila wala ng saysay ang lahat ng bagay sa mundo. Wala na ang dating sigla. Wala na rin ang dating mga kislap ng mga mata na nananalaytay kahit pa sobrang pagod at hirap ang nagdaang araw. Hindi naging alintana ang mga iyon noon… Pero ngayon, konting pagkakamali lamang, naglalaho na ang lahat. Galit at poot ang umaalingawngaw. Kayhirap kong pinipigil ang pagbagsak ng aking mga luha dahil natatakot akong baka lalo pa itong pagmulan ng kanyang galit.
            Mahal na mahal ko siya. Kahit ganito kasakit ang kanyang ipinaparamdam sa akin. Kahit balewala na lang ako sa kanya. Mahal ko pa rin siya. Hindi ako martir. Hindi rin ako tanga. Mahal ko lang talaga siya. Dahil sabi ng nasa Bible, love is patient, love is kind… Oo, nagkaroon ako ng malaking kasalanan na kailanman ay hindi na niya mabubura sa kanyang isipan.
            Naging mahigpit ako sa kanya. Naging sobrang selosa ko sa mga bagay na hindi dapat pagselosan. At nagsinungaling ako sa kanya… Hindi ko lubusang inisip na aabot sa ganito ang lahat. Sabi ko sa sarili ko, sana hindi ko na lang ginawa… pero wala na, hindi ko na iyon maibabalik at mabubura dahil paulit-ulit ko itong ginawa. Sa paulit-ulit na pangyayaring iyon, paulit-ulit ko rin siyang nasaktan. Oo, naging makasarili ako. Hindi ko siya inisip… dahil akala ko, mamahalin pa rin niya ako kahit may nagawa akong mali.
            Tama siya, hindi ko siya deserve. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya. Na sana hindi na lang  naging kami. Na sana naging magkaibigan na lang kami… Sobra akong nasaktan sa mga nabanggit niyang mga ito. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib. Hindi ako makaiyak dahil sobrang sikip at sakit ng aking dibdib. Sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko na lang tinago. Sana inamin ko na lang agad sa kanya…
            Kahit ilang ulit akong magpakaawa at humingi ng tawad, hindi na maibabalik sa dati. Hinihiling ko sa Diyos araw araw na sana sa aking pag-gising mawala na ang lahat ng sakit. Na sana pag-gising ko, okay na ang lahat.
            Matagal tagal na rin na hindi niya ako tinawag na “baby”. Namimiss ko na lahat ng mga bagay na ginagawa niya. Namimiss ko na ang mga pagtitig niya sa akin. Ang mga biglaang pagtawag niya sa akin kung hindi ako magrereply agad. Namimiss ko na ang mga panakaw niyang yakap at halik. Namimiss ko na ang kanyang paglalambing.
            Ilang araw na rin akong walang tigil sa pag-iyak. Lutang ang aking isipan sa tuwing na sa trabaho ako. Naiiyak na lang bigla kung nag-iisa ako. Sana kayang tanggalin ng mga pain killers lahat ng klase ng sakit upang wala ng mahirapan…
            Kalian kaya manunumbalik ang lahat?
            Babalik pa kaya ang dating kinagisnan?
            O mauuwi na ang lahat sa isang mapait at masakit na pamamaalam… na kahit ang sakit isipin at tanggapin, kailangang tanggapin ang katotohanan. Kailangang harapin ang mga bagay na atig kinakatakutan.
Mahal na mahal ko siya. Alam niya yan. At hinding hindi ko ipagkakait ang aking pagmamahal sa kanya kahit pa ipagtabuyan na niya ako sa kanyang buhay.
            Sana mapatawad mo na ako. Namimiss na kita. I love you so much, baby.

HANGIN

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan. Ilang ...