Minamasdan ko ang paligid. Malamig, basa at walang sigla. At dahan-dahan akong napadpad sa isang sulok at muli kong nakita ang mga bagay na paulit-ulot na nagbibigay sa akin ng hinanakit.
Hindi ko lubusang matanggap ang isang bagay lalo na kung ito'y hindi kaaya-aya sa aking paningin. Kahit anong pilit ko pa itong iwasan at kalimutan, ang sakit nito'y nag-uumapaw at patuloy nitong sinasaksak ang aking puso.
Malupit nga ang panahon sa akin... siguro'y wala talaga akong karapatang maging masaya.
Sana nga lang ay dumating ang araw na paggising ko sa umaga'y mawala na lahat ang hinanakit sa aking dibdib...at nang magpatuloy ang aking nasimulang paglalakbay sa mundong alam kong Ko'y magiging masaya.