Tuesday, June 27, 2017

HANGIN

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan.

Ilang ulit nang naranasan ang panlalamig ng braso… ilang ulit ko ng tinanong sa sarili kung ano nga ba ang dapat maramdaman. Kung maibabalik ko lang sana, iibahin ko ang mga nagyari, at sasabihin ang nararapat ng paulit ulit. Ngunit tila walang ng dulo ang mga nangyayari.

Gusto kong tumalikod… ngunit gusto ko ring bumalik ka dito.  Nakikiusap na lang ako sa hangin kung ano ang aking gagawin, at nang matapos na ang aking pag-iisip.

Akala ko natagpuan ko na ang dulo. Nakahinga na ako ng malalim… Pero…bakit… bakit mo ako kinausap na tila parang walang nangyari... Hindi ko maintindihan kung bakit natin pilit na pinaglalaruan ang mga bagay na hindi dapat paglaruan.

Hindi kita maintindihan.
Gusto ko na sanang malaman kung san ta’yo patungo at huwag na tayong magmaang-maangan at matakot kung ano ang kalalabasan…dahil kung ano man ang magiging kalalabasan nito, hindi ako masasaktan, dahil punung-puno na  ng pasakirt and aking nararamdaman.


Gusto ko lang sanang malaman…kung bakit ka nagiging ganyan. Kung bakit mo ipinagkakait ang katotohanan...kung bakit hindi mo maamin sa sarili mo na ang lahat ng ito ay laro lamang... gusto ko lang marinig mula sa 'yong bibig... at nang ako'y hindi na malunod sa putang inang pag-iisip...

Promise, hindi ako masasaktan...aminin mo lang kung ang lahat ng ito ay laro lamang...
Kaya ang tanging inilalagay ko sa aking utak ay itatangay din lahat ng hangin ang nabuong pagsasamahan... dahil nakita mo kung paano ako nawasak, kung paano ako bumangon, dahil nandoon ka mula noon...

No comments:

Post a Comment

HANGIN

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan. Ilang ...