Hindi
ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na
alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan.
Ilang
ulit nang naranasan ang panlalamig ng braso… ilang ulit ko ng tinanong sa
sarili kung ano nga ba ang dapat maramdaman. Kung maibabalik ko lang sana,
iibahin ko ang mga nagyari, at sasabihin ang nararapat ng paulit ulit. Ngunit tila
walang ng dulo ang mga nangyayari.
Gusto
kong tumalikod… ngunit gusto ko ring bumalik ka dito. Nakikiusap na lang ako sa hangin kung ano ang
aking gagawin, at nang matapos na ang aking pag-iisip.
Akala
ko natagpuan ko na ang dulo. Nakahinga na ako ng malalim… Pero…bakit… bakit mo
ako kinausap na tila parang walang nangyari... Hindi ko maintindihan kung bakit
natin pilit na pinaglalaruan ang mga bagay na hindi dapat paglaruan.
Hindi
kita maintindihan.
Gusto
ko na sanang malaman kung san ta’yo patungo at huwag na tayong magmaang-maangan
at matakot kung ano ang kalalabasan…dahil kung ano man ang magiging kalalabasan
nito, hindi ako masasaktan, dahil punung-puno na ng pasakirt and aking nararamdaman.
Gusto
ko lang sanang malaman…kung bakit ka nagiging ganyan. Kung bakit mo ipinagkakait ang katotohanan...kung bakit hindi mo maamin sa sarili mo na ang lahat ng ito ay laro lamang... gusto ko lang marinig mula sa 'yong bibig... at nang ako'y hindi na malunod sa putang inang pag-iisip...
Promise, hindi ako masasaktan...aminin mo lang kung ang lahat ng ito ay laro lamang...
Kaya ang tanging inilalagay ko sa aking utak ay itatangay din lahat ng hangin ang nabuong pagsasamahan... dahil nakita mo kung paano ako nawasak, kung paano ako bumangon, dahil nandoon ka mula noon...