Marami na ang nagbago sa mga araw na
nagdaan. Marami na ring mga bagay na dating nakasanayan ay unti-unti nang
nalilimutan at nababalewala…Gayunpaman, umaasa parin ako na balang araw,
mauunawaan rin ng lahat at tatanggapin rin ng lahat na ang lahat ng bagay sa
mundo ay nagbabago…
Tila wala ng saysay ang lahat ng
bagay sa mundo. Wala na ang dating sigla. Wala na rin ang dating mga kislap ng
mga mata na nananalaytay kahit pa sobrang pagod at hirap ang nagdaang araw.
Hindi naging alintana ang mga iyon noon… Pero ngayon, konting pagkakamali
lamang, naglalaho na ang lahat. Galit at poot ang umaalingawngaw. Kayhirap kong
pinipigil ang pagbagsak ng aking mga luha dahil natatakot akong baka lalo pa
itong pagmulan ng kanyang galit.
Mahal na mahal ko siya. Kahit ganito
kasakit ang kanyang ipinaparamdam sa akin. Kahit balewala na lang ako sa kanya.
Mahal ko pa rin siya. Hindi ako martir. Hindi rin ako tanga. Mahal ko lang
talaga siya. Dahil sabi ng nasa Bible, love is patient, love is kind… Oo,
nagkaroon ako ng malaking kasalanan na kailanman ay hindi na niya mabubura sa
kanyang isipan.
Naging mahigpit ako sa kanya. Naging
sobrang selosa ko sa mga bagay na hindi dapat pagselosan. At nagsinungaling ako
sa kanya… Hindi ko lubusang inisip na aabot sa ganito ang lahat. Sabi ko sa
sarili ko, sana hindi ko na lang ginawa… pero wala na, hindi ko na iyon
maibabalik at mabubura dahil paulit-ulit ko itong ginawa. Sa paulit-ulit na
pangyayaring iyon, paulit-ulit ko rin siyang nasaktan. Oo, naging makasarili
ako. Hindi ko siya inisip… dahil akala ko, mamahalin pa rin niya ako kahit may
nagawa akong mali.
Tama siya, hindi ko siya deserve.
Hindi ko deserve ang pagmamahal niya. Na sana hindi na lang naging kami. Na sana naging magkaibigan na
lang kami… Sobra akong nasaktan sa mga nabanggit niyang mga ito. Para akong
paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib. Hindi ako makaiyak dahil sobrang sikip at
sakit ng aking dibdib. Sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko na lang
tinago. Sana inamin ko na lang agad sa kanya…
Kahit ilang ulit akong magpakaawa at
humingi ng tawad, hindi na maibabalik sa dati. Hinihiling ko sa Diyos araw araw
na sana sa aking pag-gising mawala na ang lahat ng sakit. Na sana pag-gising
ko, okay na ang lahat.
Matagal tagal na rin na hindi niya
ako tinawag na “baby”. Namimiss ko na lahat ng mga bagay na ginagawa niya.
Namimiss ko na ang mga pagtitig niya sa akin. Ang mga biglaang pagtawag niya sa
akin kung hindi ako magrereply agad. Namimiss ko na ang mga panakaw niyang
yakap at halik. Namimiss ko na ang kanyang paglalambing.
Ilang araw na rin akong walang tigil
sa pag-iyak. Lutang ang aking isipan sa tuwing na sa trabaho ako. Naiiyak na
lang bigla kung nag-iisa ako. Sana kayang tanggalin ng mga pain killers lahat
ng klase ng sakit upang wala ng mahirapan…
Kalian kaya manunumbalik ang lahat?
Babalik pa kaya ang dating
kinagisnan?
O mauuwi na ang lahat sa isang
mapait at masakit na pamamaalam… na kahit ang sakit isipin at tanggapin,
kailangang tanggapin ang katotohanan. Kailangang harapin ang mga bagay na atig
kinakatakutan.
Mahal
na mahal ko siya. Alam niya yan. At hinding hindi ko ipagkakait ang aking
pagmamahal sa kanya kahit pa ipagtabuyan na niya ako sa kanyang buhay.
Sana mapatawad mo na ako. Namimiss na
kita. I love you so much, baby.
No comments:
Post a Comment