Tuesday, May 28, 2013

NASAAN...

Minsan naisip ko, tama ba na ang isang tao ay malunod na lamang sa kamangmangan at intindihin na lamang ang mga bagay-bagay na ginagawa ng iba dahil ayaw mo ng gulo? Oh kaya ipilit mo na lamang na intindihin ang iba upang hindi lumaki ang butas na kanilang ginagawa? 

All this time, akala ko ako ang tama. Akala ko, ang lahat ng ginagawa ko ay makabubuti sa akin at sa iba...Ngunit ngayon ko lang nalaman na hindi. Ang lakas ng impact na nagawa nito sa buhay ko. Para bang nagising ako sa isang mahimbing na mahimbing na tulog mula sa kawalan. Ilang taon din pala akong nabulag at nawala sa katotohanan. Ilang taon akong nabingi...nawalan ng malay... At ngayon, may isang malaking butas na pala sa aking harapan na kailangan ng masinsinang repair.


Tumingin ako sa salamin... eto na pala ako. Parang hindi ko na naalagaan ang sarili ko dahil sa mga desisyong ginagawa ko. Akala ko it was a healthy thing to do. I was wrong...And now, I'm suffering from an excruciating pain... A pain I had felt a few years back... I never thought na ma feefeel ko ulit itong pain na ito... It's hard.Kahit nandiyan ang mga supportive friends ko, they would never understand this shit. 

Nasaan nga ba kasi ang hustisya sa factor na ito.
Nasaan nga ba kasi ang tamang paraan upang maging maganda ang takbo ng mga bagay-bagay.
Nasaan nga ba kasi ang tamang nilalang na pupuksa sa lahat ng mga kamangmangang ito...

Nasaan.


Eh parang wala eh... 

No comments:

Post a Comment

HANGIN

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ko pa rin pinagbibigyan ang mga bagay na alam ko naming dapat hindi na dapat pagbigyan. Ilang ...